Bakit Di Kita Malimot Lyrics

Cenon Lagman

Bakit di kita malimot? bakit di kita maiwan?
Lalo't aking nalalaman, ang puso mo'y salawahan
Bakit mo ako inibig kung ang dulot mo'y pasakit?
At ako'y naliligalig sa halik mong wala nang tamis


Sa bawat saglit aking nasasambit
Na ikaw ngayon ay di ko na iniibig
Ngunit kung di na kita namamasdan
Ang lahat sa buhay ko ay karimlan


Bakit di kita malimot?
Bakit di kita maiwan?
Kung tunay mo ako'y mahal
Maging tapat ka sa akin hirang


Sa bawat saglit aking nasasambit
Na ikaw ngayon ay di ko na iniibig
Ngunit kung di na kita namamasdan
Ang lahat sa buhay ko ay karimlan


Bakit di kita malimot?
Bakit di kita maiwan?
Kung tunay mo ako'y mahal
Maging tapat ka sa akin hirang

More Songs on: Bakit Di Kita Malimot Lyrics - Kundiman Songs http://filipino-folk-songs.blogspot.com/2012/01/bakit-di-kita-malimot-lyrics.html#ixzz2W42XoArp